-- Advertisements --

Tiniyak ng Malacañang na kabilang ang mga nasa local government units (LGUs) sa sentro ng imbestigasyon ng mga otoridad kaugnay sa sinasabing anomalya sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi lang sa loob mismo ng PCSO ang ginagawang pagsilip kaugnay sa katiwalian kundi maging sa labas gaya sa hanay ng LGUs (local government unit).

Pero hindi na idinetalye pa ni Sec. Panelo sa kung paano nadadawit ang mga nasa lokal na pamahalaan sa isyu ng korupsyon sa PCSO na pinaniniwalaang bahagi ng sabwatan.

Una nang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang katiwaliang nagaganap sa PCSO ay produkto ng isang grand conspiracy na labis niyang ikinagalit na siyang naging dahilan para isuspinde ang lahat ng gaming schemes na pinapatakbo ng ahensya.