Mayroong anim na katao ang natukoy ng Union Bank of the Philippines na nasa likod ng pag-hack at iligal na paglipat ng pera ng mga depositors ng BDO Unibank Inc.
Sinabi ni UnionBank chief technology and operations officer Henry Aguda na naibigay na nila sa PNP at NBI ang kanilang mga nakuhang impormasyon at pagkakakilanlan ng mga suspek.
Inaalam pa nila kung mayroon pang mga kasamahan ang naunang anim na indibidwal na kanilang natukoy.
Una ng sinabi rin ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na mayroong dalawa hanggang apat na katao ang nasa likod ng “Mark Nagoyo” account sa Union Bank na pinaglipatan ng mga nakuhang pera mula sa depositors ng BDO account holder.
Pinambili umano ng mga supek ng cryptocurrencies ang mga nakuhang pera.
Magugunitang bumuo na rin ng task force ang BSP ukol sa nasabing usapin kung saan ilang depositors ng BDO ang nagreklamo matapos na mawala ang kanilang mga pera.