Nanindigan ang Department of Education (DepEd) na maghahain sila ng kaso laban sa mga nasa likod ng mga nakalusot na pagkakamali sa self-learning modules na ginagamit ng mga estudyante.
Ayon kay Education Sec. Leonor Briones, inilunsad nila ang Error Watch platform ang DepEd upang matugunan ang makikitang mga isyu sa mga modules.
Iginiit din ni Briones na hindi lahat ng mga error sa mga module ay kagagawan ng DepEd.
Paliwanag ng kalihim, isa raw sa posibleng ugat ng mga errors ay ang pagmamadali ng mga teachers na ayusin ang mga modules upang maibenta ito sa kanilang mga estudyante.
Una nang nagpasaklolo ang kalihim sa Department of Justice sa kung paano nila haharapin ang mga taong naninisi sa DepEd sa mga mali sa self-learning modules.
Sinabi ni Briones, lumapit sila sa DOJ upang humingi ng tulong matapos na matuklasan nila na hindi lahat ng error ay gawa ng DepEd.
Sa pinakahuling datos mula sa DepEd, umabot sa mahigit 40 ang mga natanggap nilang ulat tungkol sa mga pagkakamali sa modules.
Kasama umano sa mga naiulat ang factual at computational errors, mga pagkakamali sa format at grammar, at iba pa.