CAUAYAN CITY- Minomonitor ng mga medical doctors ang kauna-unahang sino-transplant sa puso ng baboy hindi lang sa Amerika kundi sa buong mundo.
Ang heart transplant ay ginagawa na ng maraming medical center sa Estados Unidos ngunit ang paggamit ng genetically modified na puso ng baboy sa heart transplant ng tao ay bago at inilarawan na breakthrough at game changer.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Nelson Rodriguez, asst professor ng University of Cincinnati College of Medicine, sinabi niya na may mga excited sa magiging resulta ng sino-transplant sa puso ng baboy ngunit may mga nagdududa sa magiging epekto nito dahil hindi ito clinical trial kundi ginawa para iligtas ang buhay ng limamput pitong taong gulang na lalaki.
Nagiging katanggap-tanggap ito dahil sa layuning makapagligtas ng buhay.
Ito ay breakthrough sa science dahil sa maraming ginamit na teknolohiya.
Ang genetically modifed na baboy ay cultured para sa mai-transplant ang organs sa tao.
Noon pa man aniya ay baboy na ang ginamit na organ donors dahil madaling buhayin ang baboy.
Ginagamit na rin ang kidney ng baboy na mailipat sa tao.
Nakita ng mga eksperto na ang organ ng baboy ay puwedeng mabuhay sa tao sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya.
May nakita sila sa genetic code ng virus sa baboy na sanhi ng pagreject ng tao sa puso ng baboy kaya ang ginawa ay inedit at tinanggal sa genome ng baboy at inilipat sa embryo at binuhay.
Ayon kay Dr. Rodriguez, na-culture ang mga inedit kaya tinawag na genetically modified ang inalagaang baboy sa kontroladong kapaligiran.