-- Advertisements --

Mamamahagi si Pangulong Rodrigo Duterte ng tig-P5,000 sa bawat pamilya na nasalanta ng bagyong Odette.

Sa kaniyang talk to the people nitong Lunes ng gabi, na magiging sapat na ang nasabing halaga bilang tulong pinansiyal sa mga nasalanta ng bagyo.

Inatasan na rin nito si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na mangasiwa sa nasabing pamamahagi ng tulong pinansiyal.

Aabot sa Mahigit P4-bilyon ang inilaan na halaga para sa nasabing tulong pinansiyal ng mga naapektuhan ng nasabing bagyo.

Sa loob aniya ng 15 araw ay tatapusin nila ang nasabing pamamahagi ng halaga.