-- Advertisements --
NDRRMC

Umakyat pa sa 155 ang bilang ng mga namatay dahil sa tropical strom Paeng ayon sa report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Halos 100 sa mga nasawi ay nasa pagitan ng 26 at 50 taong gulang.

Mayroon ding 129 katao ang nasugatan, habang 34 pa ang nawawala.

Umabot naman na sa P4.17 bilyon ang pinsala sa imprastraktura, P113.51 milyon ang pinsala sa agrikultura, at P17.28 milyon ang pinsala sa mga bahay.

Sa 1.2 milyong Pilipinong naapektuhan ng pananalasa ng Paeng, 1 milyon ang nawalan ng tirahan, at 1,038 na indibidwal ang nananatili pa rin sa mga evacuation center.

Sa ngayon, nakapagbigay na ang gobyerno ng iba’t ibang relief goods na may kabuuang P159.72 milyon, habang P202.26 milyon na halaga ng food at non-food items ang naipamahagi.

Nitong Nobyembre 4, nasa P509.62 milyon pa rin ang quick response funds ng gobyerno.