-- Advertisements --

CEBU – Nakilala na ang mga nasawi na pinaniwalaang miyembro ng New People’s Army (NPA) na napatay sa bakbakan kahapon sa pagitan ng 47th Infantry

Batallion sa Sitio Langub, Brgy. Cabacnitan, Bilar, Bohol kahapon.

Sa datos ng 47th Infantry Batallion, kinilala ang apat sa lima na namatay na sina John Rey Bucar alyas Justin ng Bilar, Bohol; Joseph Bautista alyas Bryan ng Inabanga; Marvin Terig alyas Chris ng Danao; Romeo Navas alyas Mrrlon ng Batuan at ang isang babae na kinilalang si Edionila Nuera alyas Mia.

Ngayong araw inihatid sa kani-kanilang mga pamilya ang mga bangkay ng pinaniwalaang NPA samantalang patuloy naman na tinutugis ng tropa ng

gobyerno ang anim pa na mga kasamahan ng mga ito.

Ayon kay 47th Infantry Batallion Civil Military Operations Officer, Army Lieutenant Grace Remonde matagal na minamanmanan ang grupo sa lugar. Poibleng

bumalik umano ang grupo sa Bohol para sa pag-recover sa lugar na nagsilbing ‘stronghold’ ng grupo.

Nabatid na matagal na dineklarang ‘insurgency-free’ ang lalawigan ng Bohol ngunit ayon kay Remonde, hindi masasabing nawala na ang mga ito dahil posible lang na nagpahinga ang mga ito.