-- Advertisements --
Ibinunyag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na ang mga napapatay ng mga kapulisan na mga kriminal noong ito ay nasa puwesto ay hindi lahat ay nanlaban.
Sinabi nito na may ilang mga nasawi sa sagupaan nila ng mga kapulisan ay nanlaban at iba ay hindi nanlaban.
Nanindigan ito na hindi biro ang kaniyang pahayag na ito ay galit sa lahat ng uri ng mga kriminal.
Una ng inako ng dating pangulo na kaniyang inaako ang lahat ng mga naganap na war on drugs sa kaniyang termino.