-- Advertisements --

Inilabas ng Gaza health ministry ang bilang ng mga nasawi sa patuloy na pag-atake ng Israel.

Ayon sa Health Ministry ng Graza, na mayroon ng 48,348 ang nasawi mula ng umatake ang Israelnoong Oktubre 7, 2023.

Aabot na rin sa 111,761 ang sugatan na karamihan sa mga ito ay nasa pagamutan pa rin.

Marami pa ring mga naiulat na nawawala na posibleng natabunan sa mga gumuhong gusali na inaasahan ang mga ito ay nasawi na dahil sa tagal ng nawawala.

Magugunitang inakusahan ng Hamas ang Israel na lumabag sa kanilang ipinatupad na ceasefire.