-- Advertisements --

Pumalo na sa 37,337 na Palestino ang nasawi at 85,299 ang nasugatan mula ng magsimula ang labanan sa pagitan ng Israel at Hamas noong Oktubre 7.

Ayon sa Health Ministry ng Gaza na hindi pa rin nila matiyak kung ilan pa ang mga bihag na hawak ng mga Hamas.

Nasa 15,000 na bata sa nasabing bilang ang nasawi.

Inaasahan pa nila na madagdagan pa ang bilang ng mga nasawi dahil sa walang humpay ang ginagawang pag-atake ng Israel sa ilang bahagi ng Gaza.

Sa panig naman ng Israel ay mayroong 1,139 na ang nasawi at 8,730 ang sugatan.

Magugunitang maraming mga bansa na ang nanawagan ng tigil-putukan sa pagitan ng dalawang dahil sa patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga nasasawi.