-- Advertisements --

Pumalo na sa 816 na katao ang nasawi habang sugatan naman ang nasa 1,333 na mga indibidwal simula nang salakayin ng Russia ang Ukraine.

Ayon sa United Nations Human Rights Office, karamihan sa mga casualties ay biktima ng mga pampasabog na mayroong wide impact area, kabilang na ang shelling mula sa mabibigat na artillery at multiple-launch rocket system at missile air strikes.

Sa bilang, nasa 168 na mga lalaki ang nasawi, 123 na mga babae, gayundin ang 36 na mga batang namatay, habang ang natititirang 489 naman ay mga indibidwal na hindi pa malaman kung anong kasarian.

Samantala, naniniwala naman ang OHCR na ang aktwal na bilang ng mga ito ay mas mataas pa, lalo na sa mga Government-controlled territory lalo na noong nakaraang mga araw.