-- Advertisements --

Umabot na sa 600,000 ang nasawi sa Amerika matapos na dapuan ng COVID-19.

Ang nasabing datos ay base sa John Hopkins University kung saan ikinakabahala nila ang pagtaas ng kaso ng Delta variant ng COVID-19.

Kahit na bumaba ang namamatay kada araw ay ilang daang Americans pa rin ang nasasawi.

Lumabas din sa datos ng John Hopkins na mayroong 343 katao ang nasawi sa isang araw.

Nakakaranas ang buong mundo ng pagkalat ng bagong variant ng COVID-19 gaya ng Alpha (B.1.1.7) at Delta (B.1.617.2) variants.