-- Advertisements --

Target ng gobyerno na mapalitan ngayong buwan ng 7,500 na mga National ID na kasamang nasunog sa Manila Central Post Office noong nakaraang buwan.

Sinabi ni Philippines Statistics Authority (PSA) OIC- Deputy National Statistician Fred Solesta na pag-aari ng mga taga-Maynila ang nasunog.

Matapos ang naganap na sunog noong Mayo 21 ay nakipag-ugnayan na ang PSA sa PhilPost sa mga impormasyon ng mga naapektuhang card.

Agad din aniya nila itong idedeliver sa mga may-ari kapag naiprint na ang mga national ID.