CENTRAL MINDANAO-Tumanggap ng tulong ang abot sa 33 pamilyang nabiktima ng sunog sa Lungsod ng Kidapawan mula sa opisina ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go.
Ginawa ang pamamahagi ng financial assistance sa Senior Citizens Wellness Hub kung saan masayang tinanggap ng mga pamilya ang naturang ayuda mula sa senador.
Sa bilang na 33 pamilya ay 31 ang totally damage na tumanggap ng tig-P10,000 at 2 ang partially damage na tumanggap naman ng tig-P5,000, ayon kay Daisy Perez, ang City Social Welfare and Development Officer ng Kidapawan.
Matatandaang ilang insidente ng sunog ang naganap sa lungsod parikular na sa Purok Guava ng Brgy Poblacion, Brgy Singao, Brgy Perez, Brgy Kalasuyan, at iba pa kung saan naninirahan ang mga biktima.
Maayos namang naisagawa ang releasing at distribution ng ayuda sa pamamagitan ng mga staff ng opisina ni Sen. Go na sina Alabel Repollo, Karen Cloribel, at Mark Singanon.