-- Advertisements --

Sinimulan na ng mga kapulisan ng Greek island ng Lesbos na ilipat ang ilang libong migrants at refugees sa bago nilang tirahan.

Umabot sa 70 mga babaeng kapulisan na may suot na protective suit ang nagtungo sa lugar para isagawa ang paglipat ng mga babae at mga kabataan sa kanilang temporary Kara Tepe camp.

Ayon sa mga government officials nasa 1,800 na mga migrants na ang kanilang unang nailipat sa Kara Tepe.

Nauna rito apat na Afghan asylum seekers ang kinasuhan na dahil sa ginawa nilang panununog.

Umabot sa mahigit 12,000 na mga katao ang naapektuhan dahil sa naganap na panununog sa Moria camp.

Naghigpit din ang mga otoridad dahil sasailalim sa coronavirus testing ang mga migrants bago sila makapasok sa Kara Tepe camp kung saan mayroon ng 56 ang nagpositibo sa COVID-19 na agad na nila sila naisolate.