COTABATO CITY – Siyam na natatanging kababaihan ang nabigyan ng Pinnacle Excellence Award kasabay ng selebrasyon ng International Women’s Day na inorganisa ng Cotabato City Women’s Council katuwang ang lokal na pamahalaan.
Ito ay sina Dr. Concepcion Balawag para sa Academe, Dr. Maria Araceli Juliano para sa Private Sector, Amy Lyn Dolores para sa Indigenous Peoples Sector, Ms. Deborah Tan Abing para sa Business Sector, Ms. Jovita Dela Cruz Isnani sa Senior Citizen Sector, Ms. Ride Mae Muesco para sa Person with Disability Sector, Ms. Baihelen Ayao para sa Overseas Filipino Worker Sector, Ms. Josing Demit Manandil na binigyan ng Posthumous Award at si Mayor Atty. Frances Cynthia Guiani Sayadi para sa Public Servant Category.
Naging keynote speaker rin sa nasabing aktibidad si Dr. Maria Araceli Carrasco Juliano na Dean Professor ng Graduate Studies ng Notre Dame University.
Samantala, dumalo rin ang iba’t ibang women’s group at iba pang bisita.
Tema ngayong taon ay ang “We make Change Work for Women.”