-- Advertisements --

Tiniyak ng Philippine Sports Commission (PSC) na mabibigyan ng prayoridad na mabakunahan ng COVID-19 vaccine ang mga national team athletes.

Ayon sa PSC, uunahin na mabigyan ng bakuna ang mga sasabak sa international events sa 2021.

Umaasa si PSC Chairman William “Butch” Ramirez, na pagdating ng Enero ay masimulan ng mabakunahan ang maraming atleta.

Ilan kasing mga atletang Pinoy ay sasabak sa mga Olympic qualifiers, Asian Indoor and Martial Arts Games (AIMAG) sa Thailand at ang 2021 Southeast Asian Games sa Vietnam sa darating na Nobyembre.

Agad aniya makikipag-ugnayan si Ramirez sa mga ahensiya gaya ng DOH para mabigyan ng bakuna ang mga atleta.