-- Advertisements --
Malaki ang paniniwala ng Biñan PNP sa Laguna na pawang ang mga natitirang miyembro ng tinaguriang martilyo gang ang nasa likod ng pagpasok at pagnanakaw sa isang tindahan ng alahas nitong nakalipas na Sabado.
Sinabi ni Lt. Col. Danilo Mendoza, hepe ng Biñan City police na sa nakita nilang istlilo sa kuha ng CCTV sa lugar ay makikita na parehas ang galaw ng mga suspek sa mga gumawa ng krimen sa iba’t ibang lugar.
Nakipag-ugnayan na rin sila sa mga police stations sa bansa para sa agarang pag-aresto sa mga suspek .
Una nang pinasok ng mga suspek ang bentahan ng alahas at pinagbabasag ang salamin na gamit ang martilyo.
Nakuha ng mga suspek ang nagkakahalaga ng mahigit P8-milyon na alahas.