-- Advertisements --
Kinansela ng American band na Paramore ang mga natitirang North American tour dahil sa lung infection ng kanilang lead vocalist.
Sa social media account ng kanilang frontwoman na si Hayley Williams, na hindi na muna matutuloy ang kanilang concert sa Portland at Salt Lake City dahil sa kaniyang vocal issues.
Humingi ito ng paumanhin sa mga fans na naghintay at nag-camping pa sa Portland para mapanood lamang siya.
Ang nasabing kanselasyon ay isinagawa ng nakasama nila sa stage si NBA star Stephen Curry at kumanta pa ng kanilang awitin na “Misery Business”.