-- Advertisements --

Nasa 4 million na sa kabuuang 18 million na Filipino na apektado ng coronavirus pandemic ang nabigyan na ng financial assistance ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sinabi ni DSWD Undersecretary Milo Gudmalin, na naibigay na nila ang nasa P65 billion na pondo sa 1,228 local government units (LGU) para sa Social Amelioration Program (SAP).

Inaasahan na sa mga susunod na araw ay dadami pa ang mga lugar na kanlang mabibigyan ng ayuda.

Magugunitang naglaan ang gobyerno ng P200-billion na emergency package para sa mga low-income na mamamayan bilang tulong ngayong panahon ng krisis.