-- Advertisements --
Nais ipagamit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga natumbang mga niyog at mga tarpaulin bilang temporaryong tirahan ng mga nasalanta ng bagyong Odette.
Ayon sa pangulo na ito ang kaniyang nais na ipagamit matapos ang ginawang pagbisita nito sa mga lugar na sinalanta ng bagyo.
Personal na nag-alok pa ang pangulo na siya na ang bibili ng mga tarpauline at nasi nito na maitayo ang mga temporaryong tirahan sa loob ng 48 oras.
Nanawagan ito sa mga may-ari ng mga niyog na itinumba ng bagyo na kung maaari ay ibigay na lamang sa mga biktima ng bagyong Odette.