-- Advertisements --
Kailangan pang maghintay ng hanggang anim na buwan para maturukan ng ikalawang dose ang mga unang naturukan ng first dose ng Sputnik V COVID-19 vaccine.
Sinabi ni Department of Health Epidemiology Bureau Directore Dr.Alethea De Guzman na ganito katagal ang paghihintay bago makuha ang ikalawang dose.
Tiniyak naman nito na mayroong mataas pa rin na efficacy rate ang nasabing bakuna.
Ang nasabing pahayag ni De Guzman ay mas matagal sa recommended interval period base sa emergency use authorization ng bakuna na hanggang 21- 42 araw lamang mula sa unang dose.
Patuloy din aniya ang ginagawang pakikipa-ugnayan ni vaccine czar Carlito Galvez Jr para dumating na ang ikalawang dose ng Sputnik V vaccine.