Umabot na sa halos isang milyon ang nabakunahan ng experimental coronavirus vaccine na gawa ng Sinopharm bilang bahagi ng emergency-use program na otorisado na ng China.
Ayon sa Chinese pharmaceutical giant, walang anumang nakitang negatibong epekto sa mga sumailalim ng bakuna.
Dagdag pa ni Sinopharm chairman Liu Jingzhen, unang nabigyan nila ang mga construction workers, diplomats, at mag-aaral.
Napunta rin ang nasabing bakuna sa may 150 na bansa.
Noong Nobyembre 6 din ay mayroong 56,000 na katao ang nabigyan ng emergency vaccination at nagtungo na sa ibang bansa.
Isinagawa aniya nila ang Phase 3 clinical trials ng Sinopharm sa halos 60,000 katao sa 10 bansa kabilang ang UAE, Bahrain, Egypt, Jordan, Peru at Argentina.
Magugunitang mayroong dalawang bakuna ang Sinopharm na sumailalim na sa clinical trials.