-- Advertisements --
Umakyat na sa 114,615 ang kabuuang bilang ng mga naturukan ng COVID-19 vaccine sa Pilipinas.
Sa datos na inilabas ni Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, umabot sa 25,538 ang mga nabakunahan ng Sinovac at AstraZeneca vaccine kahapon, Marso 10.
Nasa 796,950 ang kabuuang bilang ng idineploy na bakuna kung saan 440,450 ang sa Sinovac habang 356,500 naman sa AstraZeneca.
Sa ngayon din aniya ay nasa 422 na ang mga nag-o-perate na vaccination sites sa buong bansa.
Samantala, pumalo naman sa 1,730 ang mga nakaranas ng side effects makaraang turukan ng bakuna laban sa COVID-19.