-- Advertisements --

Umabot na sa 70 percent ng kabuuang populasyon sa Metro Manila ang naturukan ng unang dose ng COVID-19 vaccine.

Sinabi ni Metro Manila Chairman Edwin Olivarez na dahil sa walang tigil na pagpursige ng mga LGU sa NCR ay napataas ang bilang ng mga naturukan na ng unang dose ng COVID-19 vaccine.

Umaabot na rin sa mahigit kalahati sa target population sa NCR ang naturukan na ng dalawang dose o yung tinatawag na fully vaccinated na mamamyaan sa Metro Manila.

Sa kasalukuyan ay aabot sa apat na milyon na COVID-19 vaccine ang ginagamit ng mga LGU sa NCR.

Nauna na ring sinabi ni National Task Force against COVID-19 deputy chief implementer Vince Dizon na mayroong 3.2 milyon vaccine doses ang nagamit na noong Agosto 6-20 kung saan ipinatupad and enhanced community quarantine sa NCR.