-- Advertisements --

TACLOBAN CITY – Nakiisa rin sa paggunita sa mga yumao ang pamilya at naulila ng mga nasawi sa 2015 super typhoon Yolanda na tumama sa Tacloban, Leyte.

Sa panayam ng Bombo Radyo ikinwento ni Elmer mula Tacloban kung paanong hanggang ngayon ay bitbit pa rin niya ang hinagpis at sakit na dinulot ng pagkawala ng kanyang mga mahal sa buhay noong bagyo.

Nakalibing ang kanyang asawang buntis sa mass grave sa Holy Cross Cemetery.

Bagamat ilang taon na ang lumipas, sariwa pa rin daw sa alaala ni Elmer ang sakit na iniwan ng trahediya.

Pero sa tulong ng kanyang mga magulang na kasama niyang nakaligtas ay unti-unti siyang nakakabangon mula sa pait ng nakalipas na sakuna.

Sa ngayon patuloy umano ang paghahanda ng mga residente sa Eastern Visayas para gunitain ang ika-anim na taong pag-alala sa mga nasawi sa bagyong Yolanda sa November 8.