-- Advertisements --

Posibleng aabot sa 10 milyon na manggagawa ang mawawalan ng trabaho kapag nagpatuloy ang lockdown dahil sa coronavirus pandemic.

Sinabi ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello, hindi ito malayong mangyari dahil sa natigil lahat ang mga trabaho mula ng manalasa ang coronavirus.

Sa kasalukuyan kasi aniy ay umaabot na sa 2.6 million na manggagawa ang natigil sa trabaho dahil sa lockdown.

Nagbigay na rin ang DOLE ng 335,000 emergency employment at natulungan na rin nila ang 649,000 na mga formal workers.