-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Umakyat pa sa siyam ang mga naiulat na nawawalang mangingisda mula sa lalawigan ng Catanduanes matapos na pumalaot bago ang araw ng Pasko.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Gremil Naz ang tagapagsalita ng Office of Civil Defense (OCD) Bicol, lima sa mga ito ay mula sa bayan ng Virac na Disyembre 21 pa umano ng pumalaot habang apat naman ay mula sa bayan ng Viga.

Ayon kay Naz pahirapan ang pagsasagawa ng search and rescue operations dahil sa mga pag-ulan at matataas na alon sa karagatan kung kaya humiram na ang kanilang opisina ng helicopter mula sa Southern Luzon Command ng Armed Forces of the Philippines para sa pagsasagawa ng aerial survey.

Mahigpit naman na nakikipag-ugnayan ang OCD sa mga Local Disaster Risk Reduction and Management Councils upang agad na maipagbigay alam sakaling may mapadpad na mangingisda sa kanilang lugar.

Nabatid na kahapon ng marescue na ang isa sa mga mangingisda na kinilalang si Norman Lim matapos itong mapadpad sa baybayin ng Rapu-Rapu sa Albay at matulongan ng mga nakakitang residente.