-- Advertisements --

Sa nalalapit na pagsisimula ng first round NBA play-offs ay mayroon ng kaniya-kaniyang prediksyon ang mga basketball analyst sa buong mundo.

Sa round 1 Eastern Conference play-offs: pinaburan ng marami ang Milwaukee Bucks na nasa unang puwesto kaysa sa Orlando Magic na nasa pang-walong puwesto.

Marami naman ang pumabor na mananalo ang top-2 na Toronto Raptors kaysa sa Brooklyn Nets na nasa pang-pitong puwesto.

Habang lumamang naman ang Boston Celtics na nasa pangatlong puwesto kumpara sa Philadelphia 76ers na nasa pang-anim na puwesto.

Marami naman ang bumoto sa Miami Heat na nasa pang-limang puwesto kaysa Indiana Pacers na nasa pang-apat na puwesto.

Sa Western Conference naman ay mas pinaburan ng marami na manalo ang Los Angeles Lakers na nasa unang puwesto kumpara sa Portland Trail Blazers na nasa pang-walong puwesto.

Marami rin ang naniniwala na makukuha ng Los Angeles Clippers na nasa pangalawang puwesto ang panalo laban sa Dallas Mavericks na nasa pang-pitong puwesto.

Tiwala rin ang marami sa lakas pa rin ng Denver Nuggets na nasa pangatlong puwesto na magwawagi laban sa Utah Jazz na nasa pang-anim na puwesto.

At mas tiwala ang marami na makukuha naman ng Houston Rockets na nasa pang-apat na puwesto ang panalo laban sa Oklahoma City Thunder na nasa pang-limang puwesto.