-- Advertisements --
Hinikayat ni Presidential adviser for entrepreneurship Joey Concepcion ang mga manggagawa na agad na magpaturok ng bakuna laban sa COVID-19.
Dagdag pa nit ona handa rin ang mga may-ari at mga nasa mataas na posisyon sa mga pribadong sektor na maunang magpaturok ng bakuna para mahikayat ang kanilang empleyado.
Hindi na rin dapat hintayin ng mga empleyado ang iba pang bakuna na may mataas na efficacy dahil baka sakit pa ang maidudulot nito.
Posibleng sa buwan pa ng Mayo darating ang mga doses na inorder ng mga private sectors.