-- Advertisements --
May malaking epekto sa turismo ang panukala ni Pangulong Rodrigo Duterte na limitahan ang oras ng pagbebenta ng mga nakakalasing ng inumin sa buong bansa.
Sinabi ni Philippine Chamber of Commerce and Industry chairman George Barcelon, na dapat ipatupad na lamang ang nasabing panukala sa mga lugar na may malaking problema ng peace and order.
Bukod sa apektado ang maraming negosyo ay masasagasaan din ang maraming mga empleyado ng mga ito.
Magugunitang sa kaniyang State of the Nation Address (SONA) ng pangulo ay ipinanukala nito ang pagbabawal na ng pagbebenta ng mga nakakalasing na inumin pagsapit na ng hatinggabi.