Hiniling ng ilang negosyante sa Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) na dagdagan ang mga pumapasadang jeep sa Metro Manila.
Ito ay para hindi mahirapan ang mga empleyado na pumasok sa kanilang trabaho.
Ayon sa Employers Confederation of the Philippines (ECOP) na maraming mga empleyado ang nahihirapang pumasok sa kanilang trabaho dahil sa kakulangan ng transportation.
Napipilitan din ang ilan dahil sa napapagastos sila sa paghanap ng ibang masasakyan.
Magugunitang isinusulong ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagbubukas na 100 percent ng mga negosyo sa bansa para makabangon sa ekonomiya.
Maging ang mga jeepney operators ay umaaray dahil sa hindi pa pinapayagan ang karamihan sa kanila na pumasada kaya napipilitan ang mga ito na mamalimos sa kalsada at pumasada sila kahit na kolorum sila.