Kinontra ng Philippine Retailers Association (PRA) ang panukala ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na pagbawalan ang pagsasagwa ng mall-wide sales ngayong Christmas season.
Sinabi ni PRA President Roberto Claudio na tuwing ngayong panahon lamang nakakabawai ang mga store owners kung saan hindi lamang ang mga malalaking negosyante at maging ang mga medium-sized at maliliit na negosyante.
Maging ang gobyerno aniya ay makikinabang dahil sa Value Added Tax na mga nababayaran ng bawat mamimili.
Hindi naman nila ikinaila ang nararaanasang matinding trapiko sa kahabaaan ng EDSA kung saan mayroong mahigit 20 malls ang matatagpuan dito subalit may kaparaaanan naman para maresolba ang nasabing trapiko.
Una ng binigyang linaw ng MMDA na maaari pa ring magkaroon ng mga sales basta walang anumangmalaking promotions para hindi sila tunguhin ng mga tao.