-- Advertisements --

MCENTRAL MINDANAO – Pinaigting pa ngayon ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagsubaybay sa presyo sa mga Noche Buena products sa mga tindahan sa probinsya ng Cotabato.

Kinumpirma ng DTI-Cotabato na may pagtaas ng presyo ang ilang mga Noche Buena products base sa kanilang ipinalabas na bagong Suggested Retail Price o SRP.

Tumaas mula dalawa hanggang labintatlong porsyento ang christmas decoration kumpara noong nakalipas na taon.

Ayon kay DTI Consumer and Protection Division Chief, Ken Wong, lahat ng mga Christmas decoration products sa mga malalaking tindahan ay dumaan at nakapasa sa product standard procedure na ibig sabihin ligtas itong gamitin.

Kailangang may nakalagay na Import Commodity Clearance o ICC mark ang mga christmas decoration kagaya ng xmas lights para iwas disgrasya o sunog.

Nagpaalala ang DTI sa mga negosyante na nagbibinta ng noche buena na lagpas Suggested Retail Price ay kanilang ipapatawag at maari din sampahan ng kaso.

Sa ngayon ay patuloy na naglilibot ang DTI sa mga tindahan sa probinsya ng Cotabato lalo na sa siyudad ng Kidapawan.