-- Advertisements --

Nangangailangan ng financial stimulus package ang mga negosyante sa bansa.

Ito ang lumabas sa pag-aaral na isinagawa ng Philippine Management Association of the Philippines (MAP) na isinagawa rin ng University of Asia and Pacific (UA&P).

Ang nasabing mga malalaki at maliliit na negosyo ay kailangan ang nasabing financial relief sa pamamagitan ng loan para makabangon dahil sa COVID-19 pandemic.

Humihingi naman ang mga micro, small and medium enterprises partikular na ang travel and restaurant sectors ng pautang na mayroong mababang interest.

Umaasa ang mga ito na matugunan ang kanilang kahilingan.