-- Advertisements --

Hiniling ng grupo ng mga negosyante sa bansa ang katiyakan sa gobyerno na dapat ay hindi maapektuhan ang sangay nila sa bangayan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr at Vice President Sara Duterte.

Sinabi ni Management Association of the Philippines (MAP) President Rene Almendras na mahalaga na magkaroon ng katiyakan ang gobyerno para hindi maapektuhan ang mga negosyanteng nais magpasok ng pera sa bansa.

Magkakaroon ng epekto ang pakikipag-kumpetensiya ng mga negosyante sa bansa at makaka-apekto ito sa imahe ng bansa.

Dapat aniya na ipakita sa ibang bansa na tuloy pa rin ang negosyo sa bansa at hindi papaapekto sa nagaganap na tensiyon.