-- Advertisements --

Nagpaalala ang Management Association of the Philippines (MAP) sa mga pulitiko sa bansa na unahin muna ang kapakanan ng bansa kaysa personal interest.

Sinabi ni MAP President Francis Lim, na trabaho ng mga politiko ang unahin ang kapakanan ng mga mamamayan at dapat gawing prioridad ito.

Tinukoy niya dito ay ang bangayan sa House of Representative sa pagitan nina Speaker Alan Peter Cayetano at Marinduque Rep. Lord Alan Velasco tungkol sa speakership.

Pinasalamatan din nila si Pangulong Rodrigo Duterte na nagpatawag ng special session sa kongreso mula Oktubre 13-16 matapos na masertipikang urgent ang 2021 budget.