Humirit ang gruop ng magtitinapay at sardinas ng taas presyo ng kanilang produkto sa Department of Trade and Industry.
Ayon sa Sardines Association of the Philippines, na humihirit sila ng P3 na taas sa kada delata ng sardinas.
Sinabi ni CSAP spokesperson Bombit Buencamino, tumaas na ang minimum wage, ganun din ang presyo ng mga isda at gasolina kaya mararapat na humirit ng pagtaas.
Ang nasabing P3 na taas presyo ay kanila ng inihihirit noon pang nakaraang dalawang taon.
Habang P5 naman sa kada balot ng Pinoy Tasty ang hirit ng PhilBaking dahil sa mga pagtaas ng mga raw materials.
Huling naaprubahan kasi ang pagtaas ng presyo ng tinapay ay noon halos dalawang taon pa.
Una ng sinabi ng DTI na kanilang pinag-aaralan ang lahat ng mga hirit na taas presyo.