-- Advertisements --
Binigyang halaga ni Go Negosyo founder Joey Concepcion ang pagkakaroon ng pagbabago sa mga kakayahan ng manggagawang Pinoy para maibsan ang epekto ng Artificial Intelligence.
Sinabi nito na hindi na mapigilan ang paglaganap ng mga makabagong teknolohiya kaya mararapat na sabayan ito ng mga manggagawa.
Para hindi mahuli ang mga manggagawa sa bansa ay mararapat na magkaroon ng pagbabago sa kanilang kakayahan.
Aminado nito na ang AI ay isang banta rin sa mga iba’t-ibang sektor gaya ng mga nasa BPO call center.