Pinasalamatan ni Presidential Adviser for Entrepreneurship and Go Negosyo founder Joey Concepcion ang gobyerno dahil sa pakikinig sa panawagan nila na luwagan ang guidelines sa mga fully vaccinated na individual.
Sinabi ni Concepcion na sa ganitong paraan ay muling mabubuhay ang ekonomiya.
Isa rin aniya itong magandang regalo sa mga Filipino sa kapaskuhan.
Reaksyon ito ni Concepcion sa inilabas na bagong testing at quarantine protocols ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa mga fully vaccinated international passengers mula “green” at “yellow” countries ay sasailalim sa reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) test at agad na papauwiin sa kanilang bahay kapag sila ay nagnegatibo na at doon na lamang sa kanilang bahay itutuloy ang quarantine sa loob ng limang araw.