LAOAG CITY – Karamihan sa mga nangangampanya para kay US President Donald Trump ay ang mga negosyante sa Amerika.
Sa pakikipag-usap ni Bombo International Correspondent Manny Pascua sa mga bobotong mga Pilipino sa Hawaii partikular ang mga nagtatrabaho sa Landscaping, hotels at condominiums, kinakausap umano sila ng kanilang mga boss na kung maaari ay si Trump ang kanilang iboto.
Sinabi pa ni Pascua na isa sa mga isyu na sumisira kay Democratic presidential candidate Joe Biden sa ngayon ay ang koneksyon ng kanyang anak sa mga negosyanteng chinese.
Samantala, kinumpirma naman ni Mrs. Blesilda Sanculi Case, sa Minnesota na mananatiling si Trump ang kanyang iboboto kasama ang asawa nito na si Stewart Case dahil maganda ang pagpapatakbo ng presidente sa pamahalaan.
Direkta namang inihayag ni Stewart na matibay ang suporta kay niya Trump dahil isa sa mga dahilan ay ang magandang hospital benefit sa mga beterano.
Dagdag ni Stewart na ang Minnesota ay isa sa mga swing state ng Amerika na nahahati sa Democrats at Republicans.