-- Advertisements --
Screenshot 2020 09 12 12 28 17

KALIBO, Aklan – Nakiusap ang Boracay Foundation Incorporated (BFI), grupo ng mga negosyante sa isla sa Sangguniang Bayan ng Malay na irekonsidera ang inihaing resolusyon ukol sa pansamantalang pagpapasara ng kanilang border.

Ito ay matapos na makapagtala ng kauna-unahang local transmission ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang Aklan.

Ayon kay Mr. Edwin Raymundo, presidente ng BFI na sapat na ang mga nakalatag na health protocols sa Boracay at buong bayan ng Malay bagay na walang dapat na ikabahala.

Maliban dito, wala nang naitalang positibong kaso ng COVID-19 ang isla.

Mungkahi pa nito na higpitan na lamang ang lahat ng mga point of entry sa naturang bayan.

Nakatakdang talakayin ng local inter-agency task force against COVID-19 ang rekomendasyon ng konseho.

Samantala, positibo naman ang mga negosyante na matutuloy ang grand opening ng Boracay para sa mga domestic at international tourists sa Oktubre 1 na may temang “Boracay Better Than Ever.”