Davao City – Nababahala ngayon ang mga negosyante sa Davao City sa patuloy na paglobo ng inflation sa syudad.
Ayon kay John Tria ang Vice president ng Davao City Chamber of Commerce and Industry Inc., malaking epekto ang dulot ng inflation sa demand at magpapahirap din ito sa paglagi ng mga local establishment.
Kung kaya kailangan na matugonan ng lungsod at ma-manage ito upang mapadali ang recovery ng local economy na apektado ng Covid19 pandemic.
Aminado ang negosyante na nitong unang buwan ng taon ay “transitional” ang kanilang nakitang dahilan sa inflation.
Ito ay dahil sa tinatawag na “revenge spending” ng mga tawo matapos magluwag ang covid-19 restrictions sa Lungsod.
Pero ang kasalukuyang inflation ang hindi na makonsiderang “transitional” kung pagbabasehan ang consumer price index.
Dagdag pa ng opisyal ng Davao City Chamber of Commerce and Industry Inc., na hindi pa malinaw kung kailan bababa ang inflation. ‘
Base sa report na inilabas ng Philippines Statistics Authority nitong Nobyembre 4, naitala sa Davao Region ang 9.8% inflation rate niadtong bulan sa Oktubre. Ayon sa PSA pinakataas ito kumpara sa labing pitong rehiyon sa bansa.
Itinuturong dahilan ng paglobo ng inflation, ay ang paggalaw sa presyo ng alcoholic beverages at tobacco na umangat sa 12.2% mula 10.3% nitong September, gayundin ang food and non-alcoholic beverages na may naitalang 11.7% mula sa 10.5% sa buwan ng September.