-- Advertisements --

Umani nang paghanga ang ginawang pagtulong ng Makati City government sa mga negosyante.

Ito ay matapos na maglaan ng P2.5 billion na pondo si Makati City Mayor Abby Binay kung saan mayroong tig-P100,000 na tulong pinansiyal ang ibibigay sa nasa 78,000 na maliliit na negosyante.

Layon nang nasabing tulong ay para mapanatili ang nasabing negosyo at hindi na sila magsara.

Paglilinaw nito, ito ay tulong pinansiyal at hindi pautang.

Nakasaad sa nasabing kondisyon na dapat ay mayroon ng dalawang taon ang negosyo at hindi tatanggalin ang mga empleyado nila na residente ng Makati.

Bilang suporta sa mga negosyante ay papalawigin pa ang oras ng operasyon mula sa dating alas-9:00 ng gabi ay magiging alas-10:00 na ng gabi

Balak din nitong pababaan ang business tax rate para mahikayat ang mga online sellers na irehistro ang kanilang negosyo.