-- Advertisements --

Sinuportahan ng dalawang pangunahing business group sa bansa ang planong mandatory COVID-19 vaccination sa mga empleyado.

Sinabi ni Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) Director Alfredo Yao na paminsan ay kailangan na isantabi ang personal na kagustuhan para sa kapakanan ng ibang tao.

Ayon naman kay Makati Business Club (MBC) executive director Coco Alcuaz na magandang ipatupad ito lalo na at mayroon ng sapat na suplay ng bakunang dumarating sa bansa.

Magugunitang ipinanukala ng Inter-Agency Task Group ang pagbibigay na insentibo sa mga empleyadong nabakunahan na.