-- Advertisements --
Tiwala ang grupo ng mga negosyante sa bansa na magkakaroon ng masiglang pasko ngayong taon.
Ito ay dahil sa nalalapit na makamit ng bansa ang target nitong proteksyon laban sa COVID-19 sa buwan ng Setyembre o Oktubre.
Sinabi ni Go Negosyo founder at presidential adviser for enterpreneurship Joey Concepcion na maaaring maluwagan na ng gobyerno at private sector ang restriction bago maabot ang herd immunity.
Kapag ang nabakunahan na ng mga negosyante ang 80 porsiyento ng kanilang empleyado ay maibabalik na ang kanilang 100 percent na operasyon.
Ipinagmalaki pa nito na ilang milyong doses ng AstraZeneca vaccine ang darating sa bansa sa mga susunod na linggo.