-- Advertisements --
Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na kanilang tutugunan ang pananamantala ng mga negosyante na sanhi ng pagtaas ng presyo ng mga karne ng baboy sa palengke ng Metro Manila.
Sinabi ni DA Secretary William Dar, na kanilang pananagutin ang mga traders dahil sa pagsamantala nila sa nagaganap na pananalasa ng African swine fever.
Dahil aniya sa nasabing ASF ay 20 porsyento ng hog industry sa bansa ang apektado.
Hinikayat din nito ang mga vendors na makipagugnayan sa kanila laban sa mga mapagsamantalang traders.