GENERAL SANTOS CITY – Pinag-aralan na ng Sangguniang Panlungsod ng General Santos City kung ano ang dapat gawin sa problema ng maraming negosyong walang business permit sa lungsod.
Ayon kay Gensan City Councilor Edmar Yumang, batay aniya sa batas, kung ang isang negosyo ay walang occupancy at building permit, hindi ito maaaring bigyan ng business permit.
Ngunit iba naman ang naging pahayag ng mga nogosyante dahil gusto naman daw nila na makakuha ng business permit ‘yon nga lang may problema sa gusali o lupang pinagtatayuan nito.
Ang panawagan ng lokal na pamahalaan sa mga negosyanteng magtayo ng istraktura na kumuha muna ng occupancy at building permit upang mabigyan ng business permit.
Napag-alaman na karamihan kasi sa mga instruktura ang nakatayo sa mga land conflict areas.