-- Advertisements --
BAGUIO CITY – Magtatayo ang Department of Trade and Industry (DTI) ng mga negosyo centers kung saan isasagawa ang mga labor craft and business fair sa Baguio City National High School ngayong araw kasabay ng paggunita sa Labor Day.
Ayon kay DTI-Cordillera Regional Director Myrna Pablo, magsasagawa ang ahensiya ng business counseling at forum sa mga interesadong maging negosyante.
Tututukan din ng DTI ang pagbibigay ng business training sa mga kabataan.
Tutulong ang Technical Education and Skills Development Authority sa pagtuturo sa mga nagnanais na magtayo ng sarili nilang negosyo.