-- Advertisements --

LAOAG CITY – Tiwala si Mrs. Antonette Bareng, City Business Permit and Licensing Officer sa lungsod ng Laoag na mas marami ang mga magbubukas na negosyo kung ikumpara sa mga nagsara.

Una rito, sinabi ni Bareng na may mga negosyo na nagsara dahil sa pagkalugi sa gitna ng pandemiya.

Ipinaliwanag nito na ang mga nagsrang negosyo sa lungsod ng Laoag ang karinderya at sari sari store.

Ipinaalam nito na wala silang natanggap na report ukol sa mga malalaking business establishments na nagsara.

Dagdag ni Bareng na inaasahang aabot sa isang libo ang kailangan na magrenew ng business permit sa BPLO bago magtapos bukas, Pebrero 15.